Frequently Asked Questions (FAQ)
2. Bakit ang website o server ko ay restriktado?
Inilabas namin ang free trial [libreng trial] para maranasan ng mga users ang mga katangian ng isang Professional na account. Ngunit may ibang nagsasamantala sa oportunidad na ito sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsign-up pagkatapos ng kanilang free trial para paulit-ulit na makinabang sa Professional features na libre.
Para maiwasan ito, nire-record namin ang mga impormasyon sa mga website at server na naidagdag sa loob ng free o libreng trial. Sa tuwing ang user ay nagdagdag ng parehong website o server sa iba o bagong free trial account, malalaman namin na namomonitor na ito sa isang libreng account dati. Minamarkahan namin ang mga ganitong mga website o server bilang "restriktado" o "restricted".
Ang restricted o restriktadong website o server ay maaari lamang magsuporta ng features o katangian ng isang libreng account. Ang pagitan ng pagmanman ay limitado sa 60 minuto. Ang isang restriktadong website ay makakasuporta rin lang ng HTTP port 80 ng walang mga masusing opsyon, at ang restriktadong server naman ay makakasuporta lamang ng ping test at HTTP port 80.
Kung mag-upgrade ka sa Professional account, ang mga restriktong ito ay aalisin.